Paete, Laguna: Talento. Kasaysayan.Hiwaga.

Paete, Laguna: Talento. Kasaysayan.Hiwaga.
“Art imitating life, life imitating art”

Huwebes, Pebrero 21, 2013

Bilang pagpapatuloy...

KASAYSAYAN

Sa tingin niyo ba alam na alam niyo na ang kasaysayan ng Paete? Ano kaya ang totoong nangyari? Paano naging Paete ang tawag sa Paete?

Bago pa man naging Paete ang tawag sa Wood Carving Capital of the Philippines, ito ay tinawag na Pueblo de San Lorenzo. Ito ay hawak ng mga paring Kastila. Ang pueblo ay binubuo ng Pakil, Kalayaan, Longos at San Antonio.

Ngunit hindi ito habambuhay na hawak ng mga Kastilang Pari. 
Nang dumating ang mga Amerikano, nagkaroon ng maliit na labanan sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino, na pinamunuan ni General Henry Lawton. Syempre nanalo ang mga Amerikano. At pagkatapos nito ay naging Paete na ang pangalan ng Wood Carving Capital of the Philippines.

Ang Paete naman ay galing sa salitang “paet”. Ang paet ay instrumentong gamit ng mga manlililok para sa paglililok.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento