Paete, Laguna: Talento. Kasaysayan.Hiwaga.
Huwebes, Pebrero 28, 2013
Pagbabago sa Paete
Ito ang mga pagbabagong naganap nang mgasimulang mamuno si Mayor Emmanuel Cadayona.
TARA NA AT SIYASATIN ANG MGA ITO!
http://www.youtube.com/watch?v=nt2wLrLHXMM
Panoorin na natin ang mga santo sa Paete noong Holy Week 2012!
LIGHTS! CAMERA! ACTION!
Panoorin na natin ang mga santo sa Paete noong Holy Week 2012!
LIGHTS! CAMERA! ACTION!
ALAY LAKAD 2012
Ang bayan ng Paete, Laguna ay taun-taong nagdiriwang ng Alay Lakad para ipagbigay pugay ang mga bayani at ang Historya ng Pilipinas. Iginanap ang Alay Lakad 2012 noong ika- 29 ng Setyembre, 2012 sa Simbahang Bato. Kung makikita niyo rito, ang bayan ng Paete ay naglulungsad ng mga programa para magkaroon ng Self-awareness ang mga kabataan at mga matatanda para sa ating mga bayani at historya.
TUNAY NA HISTORIKAL!
Photo Courtesy: Mutuk Bagabaldo galing http://www.paete.gov.ph
Photo Courtesy: Mutuk Bagabaldo galing http://www.paete.gov.ph
Sining Pamana sa Paete
Ang Bayan ng Paete ay nadiskubre ng sikat na si Fray Juan De Plancencia. Dahil dito maraming mga simbahan at mga eklesyal na dekorasyon ang naiambag. Isa na sa mga simbahan ay ang ''Simbahang Bato'' na tatlong bese nang nasira dahil sa mga natural na kalamidad ngunit tinayo para mabawi ang mga yapak ng Historya. Ginagamit ang simbahan para maipagpatuloy ang misyon ni Hesus sa pamamahagi ng magandang balita.
Sa makatunayan, sinubok na nang panahon ang simbhan na ito. Nang pumutok ang Digmaang Amerika- Pilipinas noong 1899-1902 nagmistulang kulungan ng mga amerikano ang simbahang ito. Kaya naman ang pamahalaanng Paete ay binibigyan sapat na halaga ang simbahan at mga sining pamana.
Lunes, Pebrero 25, 2013
Taka ng Paete!
Hindi lang naman puro "wood carving" ang ipinagmamalaki ng Paete, kundi pati na rin ang Taka.
Ang taka ay gawa sa papel na pinatigas at kinulayan. Napakaganda tingan hindi ba?
Kaya naman hinding-hindi kulang ang pagbisita ninyo sa Paete. May magagandang lugar na, may magagandang souvenir pa. Pagkain???? Marami din niyan sa Paete.
Mga Naglalakad na Poon
Tuwing Mahal na Araw, nagkakaroon ng prusisyon sa buong Paete. Prusisyon ito ng mga poon, ang mga poon ay siya mismong nilililok ng mga deboto nito. Napakaganda tingnan ang lampas sa 10 mga santo na pumaparada sa tatlong gabi ng Mahal na Araw.
Ano pang hinihintay niyo... Dayo na sa Paete.
Huwebes, Pebrero 21, 2013
Kung ang One Direction ay may video diariess, eh hindi naman kami magpapahuli sa kanila.
Buksan lamang ang link sa baba at makikita ninyo ang maiksing video. Sa pagdaan ng mga araw, mag-uupload muli kami ng iba pang videos...
Salamat!!!
https://www.facebook.com/photo.php?v=572197632791822&set=o.323051217782291&type=3
Buksan lamang ang link sa baba at makikita ninyo ang maiksing video. Sa pagdaan ng mga araw, mag-uupload muli kami ng iba pang videos...
Salamat!!!
https://www.facebook.com/photo.php?v=572197632791822&set=o.323051217782291&type=3
Para sa pagtatapos...
HIWAGA
Hindi
ba kayo nagtataka kung bakit kakaiba ang hitsura ng Ilog Wawa? Hindi ba kayo nagtataka kung paano ito nabuo.
Ang Ilog Wawa o Wawa park ay patok na puntahan ng mga turista sa Paete, dahil sa kakaibang hitsura nito.
Pinaniniwalaang pinaghiwalay ito ni Bernardo Carpio, isang alamat sa mitolohiyang Pilipino. Dahil sa napakalakas niya, siya daw ang sanhi ng mga lindol. Hindi lamang sa Paete kundi na rin sa Montalban matatagpuan ang ganitong klase ng hiwaga.
Hindi pa rin ito pinapatotohanan ng mga eksperto sapagkat walang sapat na ebidensya para sabihin na ito ay pinaghiwalay nga ng isang kakaibang lalaki.
Bilang pagpapatuloy...
KASAYSAYAN
Sa tingin niyo ba alam na alam niyo na ang kasaysayan ng Paete? Ano kaya ang totoong nangyari? Paano naging Paete ang tawag sa Paete?
Bago pa man naging Paete ang tawag sa Wood Carving Capital
of the Philippines, ito ay tinawag na Pueblo de San
Lorenzo. Ito ay hawak ng mga paring Kastila. Ang pueblo ay binubuo ng Pakil, Kalayaan, Longos at San Antonio.
Ngunit hindi ito habambuhay na hawak ng mga Kastilang Pari.
Nang dumating ang mga Amerikano, nagkaroon ng maliit na labanan sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino, na pinamunuan ni General Henry Lawton. Syempre nanalo ang mga Amerikano. At pagkatapos nito ay naging Paete na ang pangalan ng Wood Carving Capital
of the Philippines.
Ang Paete naman ay galing sa salitang “paet”. Ang paet ay instrumentong gamit ng mga manlililok para sa paglililok.
Ang Paete... BOW!
Wood Carving Capital of the Philippines
Sa tatlong salita lamang, maari nating ipagmalaki ang Paete. Ang tatlong salitang ito ay: TALENTO. KASAYSAYAN. HIWAGA.
TALENTO
Siguro ay nagtataka kayo kung bakit "Wood Carving Capital of the Philippines" ang tawag sa Paete. Pero hindi naman nakakapagtaka, si Mariano Madriano, isang tanyag na manlililok ay galing sa Paete. Halos lahat sa mga mamamayan sa Paete ay mga manlililok.
Ang mga santo na ipinaparada sa buong bayan kapag Mahal na Araw ay sariling gawa ng mga deboto na naturang santo. Isang napakagandang tanawin nga naman, kaya halika na, dayo na sa Paete.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)